Advertisers
“’DI kami pasisiil.”
Mariing tinanggihan ng Department of National Defense (DND) ang panawagan ng China na itigil ng Pilipinas ang mga hakbang nito kaugnay ng Bajo de Masinloc.
Pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc, at naaayon sa international law, partikular sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award, ang mga hakbang ng bansa.
Sinabi rin ng DND na ang pagsusumite ng updated nautical chart ng Pilipinas sa United Nations ay naglalayong malinaw na ipakita ang sakop ng maritime zones ng bansa.
Mariing iginiit ng DND na patuloy na ipaglalaban ng Pilipinas ang karapatan at soberanya nito sa Bajo de Masinloc at hindi magpapadala sa mga pahayag at kilos ng China.