Advertisers

Advertisers

Eala umusad sa Cincinnati Open 3rd round

0 2

Advertisers

UMUSAD ang No.17 seed na si Alexandra Eala sa susunod na round ng WTA 1000 Cincinnati Open matapos talunin ang Romanian na si Elena-Gabriela Ruse nitong madaling araw ng Linggo (oras sa Pilipinas).

Nanguna ang Pilipinang tennis star, 6-1, 3-0, nang umatras si Ruse dahil sa pinsala sa bukung-bukong sa kanilang second-round sa Tony Trabert Stadium 3.

Sunod na makaharap ni Eala ang No. 9 seed Amanda Anisimova, na nagwagi laban kay Zeynep Sonmez 6-2, 6-3.

“I think that I was playing well. I think I felt the ball good, was really focused and tried to keep myself in the zone. I think I did a good job of that,” wika ng 21-year-old Eala sa post-match press conference.

“Of course, nobody likes to finish a match with a retirement. First and foremost, I just want to wish Gabriela-Ruse a speedy recovery, injuries aren’t fun, so I hope she recovers soon,” dagdag ni Eala, na natalo kay Ruse, 6-3, 1-6, 1-4,sa kanilang unang pagtatanghal sa 2024 US Open qualifiers.

Tinalo ni Eala ang world No. 3 Jessica Pegula ng United States, 4-6, 6-4, 6-0, para makamit ang kanyang unang WTA 500 title sa Mubadala DC Open sa Washington dalawang Linggo ang nakaraan.

Nagwagi rin siya sa WTA 125 Guadalajara Open sa Mexico laban sa Hungary’s Panna Udvardy 1-6, 7-5, 6-3, nakaraang taon.