Advertisers

Advertisers

Zoren Legaspi, Aminadong Hollywood ang Pangarap

0 3

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Hayagang ibinahagi ng aktor na si Zoren Legaspi ang matagal na niyang pangarap na makapagtrabaho sa Hollywood.

Sa kanyang pag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento ni Zoren kung paano nagsimula ang kanyang planong pasukin ang showbiz at kung paano niya naisip na gawing stepping stone ang Pilipinas para makapunta sa Hollywood.

Nang tanungin siya ni Boy Abunda kung hinikayat ba siya ng kanyang yumaong amang aktor na si Lito Legaspi na pasukin ang mundo ng showbiz, sinabi ni Zoren na hindi naman siya direktang itinulak ng kanyang ama na maging artista.

Aniya, noong nasa Chicago siya, naramdaman niyang napupunta na siya sa maling direksiyon.

“Naramdaman ko nung nasa Chicago ako, papunta na ako sa bad boy. Yung parang nagiging gangster mentality na ‘ko. Sabi ko, ‘Walang mangyayari dito.’ Wala na akong interes mag-aral,” ani Zoren.

Dahil dito, naisip niyang umuwi ng Pilipinas at gamitin ang apelyidong Legaspi upang makapasok sa showbiz.

“Uwi na lang ako, gamitin ko na lang ‘yung pangalan ng erpat kong Legaspi, pupunta ako kay Kuya Germs, mag-apply ako sa That’s Entertainment,” aniya.

Ngunit paglilinaw ni Zoren, hindi lamang pagpasok sa local showbiz ang kanyang tunay na plano.

“But that was the plan, but the main plan was to go to Hollywood na hindi nangyari. Gagawin ko sanang stepping stone ito, then go to Hollywood,” saad niya.

At least, hindi man natuloy ang Hollywood dream ni Zoren, winner pa rin ang aktor—matagumpay ang showbiz career at napangasawa pa ang magandang si Carmina Villarroel!

——-

Isang milyong beses isinulat ng PBA fan na si Danilo Coma ng Mabalacat City ang salitang “Jawo” bilang tribute sa kanyang idolo at PBA Living Legend na si Robert “Jawo” Jaworski.

Sinimulan ni Coma ang kakaibang proyekto noong 2010 at tuluyan itong natapos noong Agosto 4, 2022, dakong 2:11 ng hapon.

Hindi lamang basta isinulat ang pangalan ng kanyang idolo—maging si Jaworski mismo ay nagbigay ng lagda sa obra noong Pebrero 14, 2019, lalo pang naging espesyal ang memorabilia para kay Coma.

Hangad ngayon ng masugid na tagahanga na maitala sa kasaysayan ang kanyang natatanging obra at mapabilang ito sa isang Philippine museum, bilang patunay ng kanyang walang-kupas na paghanga sa tinaguriang PBA Living Legend.

Isang milyon. Mahigit 11 taon. Isang pangalan—Jawo!