Advertisers

Advertisers

SYNERGASIA BAND NAG-CHAMPION SA BATTLE OF THE BAND

0 2

Advertisers

  • Ni ROMMEL PLACENTE

NAPANOOD namin ang Synergasia Band nang mag-perform sila sa charity show ni Aries Concepcion titled Aries..One Last Time.

In fairness,napahanga kami sa galing tumugtog ng nasabing rock group at sa ganda ng boses ng lead vocalist nila na si Asha lida.

Kaya naman hindi kataka,-taka na nang lumaban sila last year sa Battle of the Band, na ginanap sa Quirino Province ay sila ang nag-champion.

Ang Synergasia ay mula sa Greek word meaning fusion or collaboration.

Bukod kay Asha,ang iba pang members ng Synergasia ay sina Agui lida -drums,Jlaw Acosta -bass guitarist,Bryan Nesperoz – guitar 1,Raphael Guerrero – guitar 2, at

Sean Gabriel Bergado – keyboard

Kung bakit ang genre nila ay rock,ang sabi ni Asha ay dahil ito ang nakalakihan nilang music.

Si Kitchie Nadal, na nagpasikat ng kantang Huwag Na Huwag Mong Sasabihin ang paboritong rock artist ni Asha.

May nagawa nang original song ang Synergasia na iri-release nila soon.

***

IPINAGMAMALAKI ng beteranong aktor na kahit patuloy siyang nambababae at nahuhuli ng kanyang misis,, ay hindi siya nito iiwan.
Ayon sa aming source, kaya ganu’n daw kakamapante si beteranong aktor, ay dahil mayaman siya. May mga business siya.

Kung iiwan daw siya kasi ng kanyang asawa, ay sa kangkungan lang ito pupulutin. Plain housewife lang daw kasi ito. Kumbaga, wala itong trabaho. Sa kanya lang daw ito umaasa sa lahat ng bagay.

O, di ba, mayabang din si beteranong aktor? Kawawa naman ang kanyang misis. Nagpapakamartir na lang ito at tinitiis ang kanyang pambababae.

Ang beteranong aktor ay gabi-gabing napapanood sa teleserye. May dalawa silang anak ng kanyang misis.