Advertisers

Advertisers

Yuki Sonoda, happy sa stint sa Viva One series na “My Husband is a Mafia Boss”

0 5

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NGAYONG Sabado (Aug. 29) na magtatapos ang Viva One series na “My Husband is a Mafia Boss” na pinagbibidahan nina Joseph Marco at Rhen Escaño.

Kabilang din sa cast nito sina Frost Sandoval, Sara Joe, Kyosu Guinto, Sara Joe, R-Ji Lim, Ara Mina, Akihiro Blanco, Priscilla Meirelles, Kelley Day, at Yuki Sonoda bilang Fauzia Arcadia, na guardian angel ni Aemie (Rhen).

Nag-post ng ganito si Yuki noong isang araw, kaya inusisa namin siya sa latest news sa kanilang serye.

Don’t worry guys… I’m alive But after Ep20, I’m not sure about everyone else Napanood nyo na ba yung Episode 20!? Stream Legally only on Viva One #MHIAMB #VivaOne #FauziaArcadia #GuardianAngel

Matipid na reply niya sa amin, “Nabaril po kasi ako, pero hindi naman po ako namatay.”

Ipinahayag din ng magandang talent ni Ms. Len Carrillo na sobrang saya niya sa natokang role sa nasabing serye.
“Super-happy and blessed po ako na ibinigay ng Viva sa akin itong role ko na ito,” masayang sambit ni Yuki.
Aminado rin siyang exciting and challenging sa kanya personally, ang maging bahagi ng series na ito.

“Exciting and challenging po, kasi mayroon ng image ang mga Wattpad readers of my character. So, at first ay nag-worry ako kung magagampanan ko po nang maayos ang role ko.”

Sa palagay ba niya ay nagampanan naman niya ito nang maayos?

“Yes po, happy ang mga fans about my character na si Fauzia Arcadia a.k.a Guardian Angel. Pero most of the people call me Guardian Angel now.”

Pati pagsabak niya sa mga mall show para sa promo ng seryeng ito ay bago at kakaibang experience rin sa kanya.

Aniya, “Yes po, sumabak din po ako sa mall shows at kumanta pa po ako for the very first time.”

Nagpasalamat din siya sa lahat ng sumuporta at sumubaybay sa kanilang serye.

“Maraming salamat po sa lahat ng support at sa mga sumubaybay sa aming series, sana po ay manood pa kayo sa Viva One para magkaroon ito ng Season-2,” pahayag pa ng aktres/beauty queen.