Advertisers

Advertisers

‘MAAGA PA!’ DEPENSA NI ROMUALDEZ, TUMUTOL SA ‘MASTERMIND’ TAG

0 3

Advertisers

NAKAKABAHALA umano ang maagang panghuhusga  para ituring na “mastermind” si Leyte Representative at dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kontrobersyal na kasong flood control scam.

Ito ang mariing sinabi ni Atty. Ade Fajardo, tagapagsalita ni Rep. Romualdez na aniya’y lubos na napakaaga pa para husgahan ang dating lider ng Kamara kung saan nagpapatuloy pa ang ginagawang preliminary investigation ukol dito at hindi pa rin umano lubos na nahihimay ang mga ebidensya sa nasabing kaso.

Dahil dito, ikinatwiran ni Fajardo na ang ganitong akusasyon ay maaring pagmulan ng maagang conclusion o “prejudgement” sa kaso habang patuloy pang ini-evaluate ang mga kongretong ebidensya ng Office of the Ombudsman kaugnay ng nasabing isyu.



Nauna rito, hiniling ng mga abogado ni Rep. Romualdez kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mag-inhibit mula sa kaso kaugnay ng “April 22 letter”na may kinalaman sa kanyang public statements hinggil sa kaso. Subalit naniniwala ang defense team ni Romualdez na ang ganitong pahayag kabilang na ang paulit-ulit na sanggunian sa prosecution ay magdudulot lamang umano ng maagang panghuhusga o prejudgement laban kay Rep. Romualdez.

“Well, sa amin pong appreciation, at kami ay nangangamba na dahil sa maraming mga pampublikong posisyon ng kasalukuyang Ombudsman ay parang na-prejudge na, or parang meron nang konklusyon na nabuo, at hinahabol ang ebidensiya para lang masuportahan ‘yung…legal conclusion na sa amin namang palagay ay wala nga,” paliwanag ni Atty. Fajardo.



Nanindigan si Fajardo na madedetermina lamang sa gagawing preliminary investigation na kung mayroon mang sapat na ebidensya ay ito aniya ang magiging basehqn parq maidulog ang kaso sa korte.

“Ang naging problema namin diyan kasi nga at this stage po ng investigation, ang hinihiling po ng ating mga alituntunin at ng ating batas at mismong Saligang Batas ay fairness and impartiality,” diin ni Fajardo.



Ibinabasura rin ni Fajardo ang naging posisyon ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na ang orihinal na pahayag ni Orly Guteza kabilang na ang mga pagbaliktad ng “Maleta boys”ay maituturing umano na matibay na ebidensya sa Office of the Ombudsman’s preliminary investigation kaugnay ng pagkakasangkot umano ni Rep. Romualdez sa maanomalyang flood control projects. (Henry Padilla)