Advertisers

Advertisers

SUPER TYPHOON ‘KAI’

0 4

Advertisers

MARAMI nang bagyong nagdaan at nanalanta sa Pilipinas.

Hatid nila ay perwisyo sa ari-arian at buhay ng Pilipino.

Pero kakaiba itong matagal nang bagyo pero kailan lang nag-landfall sa ‘Pinas.

Napaka-gilas ng kanyang ragasa sa bansa upang bigyang solusyon ang kakulangang lakas ng Gilas Pilipinas pagsabak sa international cage competitions.

Super typhoon ang arrive ng higanteng Pinoy na si 7’3″ KAI SOTTO.

Nagdulot ito ng matiinding gimbal sa mga itinuturing na basketball powerhouse partikular ang China,South Korea, Japan, Australia, New Zealand, Chinese Taipeh at ang huling nakalaban sa FIBA window qualifier ng Pilipinas na Jordan at Iran na winalis at sinalanta ng Gilas Pilipinas sa makasunod na gabi nitong typhoon soaked weekend.

Nabawasan ng kumpiyansa ang malakas na kalaban ng Gilas mula nang nagbalik ang super bagyong Kai na pumuno sa butas na kakulangang lakas ng Gilas.

Pagdating sa talento ay di naman pahuhuli ang ‘Pinoy cagers kaya nang dumapo na ang bagyong Kai ay nilimas ng Gilas ang Jordan at Iran upang ang ang tsansang mag- qualify sa FIBA world ay lalong lumakas.

Lalo namang lumaki ang kumpiyansa ng mga tirador ng Gilas sa labas dahil alam nilang may agapay sa loob na toreng sina Sotto at Edu kontra sa noon ay naghahari sa paint area ang mga higanteng kalaban.

Ang tibay din ng depensa ng Gilas sa presensya ni Kai na nagmistulang DIKE o DAM sa pagkontrol ng opensa ng kalaban.

Kaya nga ang landfall ni NBA- bound Kai Sotto sa Gilas Pilipinas ay isang magandang panahon habang isang delubyo ito sa bawat makakalaban pag nagkataon.Siyam-siyam ang aabutin ng mga haharang..

ABANGAN!!!

LOWCUT: Special shoutout sa aking kabalen na si Dennis Panes Magcalas from Comillas na matagal nang nakabase sa bansang New Zealand.Doon ay may grupo siyang ang layunin ay magkatulungan silang mga kababayan natin na nakahanap ng greener pasture sa lupaing tanyag sa Kiwis.Pugay kabalen! Kelan ka magbalikbayan uli sa ating balwarteng LaPaz sa Tarlac? Balita ko’y marami ang good paying job offer ang maunlad na bansang New Zealand na kapit- bansang pasipiko ng ‘Down Under’ Australia partikular sa Pinoy workers natanyag sa dedikasyon at sipag.Pa- update kabalen dahil marami tayong suki sa Uppercut ang nagtatanong..

Tunghayan!