Advertisers

Advertisers

Katherine Luna nakabawi sa career dahil kay Coco Martin

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Muling nakikilala sa showbiz si Katherine Luna matapos siyang mapabilang sa cast ng seryeng Sigabo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Para sa aktres, malaking bagong simula ito matapos ang mga pinagdaanan niya sa personal na buhay at karera.

Sa isang episode ng Ogie Diaz Inspired, ibinahagi ni Katherine na hindi siya agad naging komportable sa pagtanggap ng tulong mula kay Coco. Ayon sa kanya, nahihiya siya dahil sa kontrobersiyang minsang kinasangkutan nilang dalawa.

Matatandaang nagkaroon noon ng isyu matapos sabihin ni Katherine na si Coco ang ama ng kanyang anak. Naging kontrobersiyal din ang ilang pahayag niya na nakaapekto sa aktor at sa pamilya nito.

Gayunman, sa kabila ng nakaraan, pinili pa rin ni Coco na tumulong. Kabilang dito ang pagpapagamot sa problema sa paningin ni Katherine at pagbibigay ng suporta habang inaayos niya ang kanyang buhay.

Kalaunan, humingi ng paumanhin si Katherine sa publiko sa isang panayam kay Julius Babao noong Pebrero 2025.

Ngayon, tila ibang chapter na ang buhay ng aktres. Bukod sa natanggap niya ang pagpapatawad ni Coco, nakatrabaho pa niya ito sa Sigabo—patunay na minsan, ang second chance ay talagang dumarating sa tamang panahon.