Advertisers

Advertisers

Sanya Lopez ‘di nawalan ng amor sa pag-ibig kahit nasaktan

0 5

Advertisers

Ni Anne Venancio

Hindi lahat ng relasyon ay nauuwi sa forever, pero para kay Sanya Lopez, hindi ibig sabihin nito na mali ang pagmamahal na ibinigay mo.

Sa kanyang bagong single na “Laro,” ibinahagi ng aktres at singer ang mensaheng para sa mga taong dumaan sa heartbreak, situationship, at relasyong hindi naging malinaw ang ending. Para kay Sanya, walang dapat ikahiya sa pagbibigay ng buong puso, kahit hindi ito nasuklian o nauwi sa hiwalayan.

Aniya, hindi nangangahulugang may kulang sa isang tao kapag hindi nag-work out ang relasyon. Minsan, bahagi lamang ito ng proseso para mas makilala ang sarili, matuto, at maging mas matatag.

Layunin ni Sanya na magsilbing paalala ang “Laro” sa mga nakikipaglaban pa rin sa sakit ng nakaraan. Hindi sayang ang mga panahong inilaan sa isang relasyon dahil may aral na puwedeng dalhin sa susunod na kabanata ng buhay.

Nabuo ang kanta nang magkaroon siya ng break habang nagre-record ng Japanese song para sa seryeng “Pulang Araw.” Doon siya inalok ni GMA Playlist executive Rocky Gacho na gumawa muli ng single.

Agad niyang naisipang gawing tema ang situationships at relasyong madaling pagkuhanan ng hugot.

Produced and distributed under GMA Playlist, available na ang “Laro” sa iba’t ibang digital streaming platforms.