Advertisers
INIHAYAG ni Senate Secretary Rey Bantug na muling in-extend ni Senador Loren Legarda ang kanyang medical leave.
Kinumpirma ni Bantug na hindi muna lalahok sa mga sesyon ng Senado si Legarda sa Setyembre 7 hanggang 9 at Setyembre 14 hanggang 16.
Nagsimula ang medical leave ng senadora noong Agosto 3 at ilang beses na itong pinalawig mula nang hindi siya makadalo sa mga sesyon ng Senado.
Noong Agosto 24, iniulat ng Senado na muli ring nag-extend ng leave si Legarda para sa Agosto 24 hanggang 26 at Setyembre 1 hanggang 2.
Samantala, sinabi nitong mga nakaraang linggo ni Senate President Sherwin Gatchalian na may seryosong karamdaman si Legarda, ngunit hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye dahil personal umano ang usapin.
Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Legarda kaugnay ng pinakahuling extension ng kanyang medical leave.