Advertisers
WALANG basehan ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya ligtas sa Pilipinas, ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro.
Ito ang sinabi ni Castro kasunod ng pagkakababa ng warrant of arrest laban kay Duterte kaugnay ng tatlong counts ng grave threats.
Ayon kay Castro, wala umanong naitalang impormasyon ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa sinasabing banta sa buhay ng Bise Presidente.
Giit niya, patuloy na ginagampanan ng mga law enforcement agency ang kanilang mandato na tiyakin ang seguridad at proteksyon ng bawat Pilipino.
Sinabi rin ni Castro na nakatutok ang PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagpapanatili ng seguridad ng lahat, kabilang ang mga opisyal ng gobyerno.
Dahil dito, hinamon ni Castro si Duterte na ilahad mismo ang batayan at anumang ebidensya sa likod ng kaniyang pahayag na hindi siya ligtas sa bansa. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)