Advertisers

Advertisers

Palasyo tikom sa red carpet, no mugshot kay VP Sara

0 2

Advertisers

NO comment ang Malacañang sa umano’y paglalatag ng red carpet para kay Vice Pres. Sara Dutere sa Quezon City RTC noong Sabado.

Sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na hindi na saklaw ng ehekutibo ang mga hakbang na ginagawa sa loob ng korte, kabilang ang desisyon nitong maglagay ng red carpet para sa pagdating ni Duterte.

Tugon ito ng Palasyo sa tanong kung itinuturing ng Palasyo na special treatment ang naturang insidente, lalo’t ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ang Bise Presidente.



Sa pahayag naman ni Duterte na wala siyang tiwala sa korte, sinabi ni Castro na hindi dapat mawalan ng tiwala ang publiko sa sistema ng hustisya sa bansa.

Iginiit ng opisyal na hindi hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na mawalan ng tiwala sa mga korte at sa sistema ng hustisya sa bansa.



Samantala, iginiit ng Palasyo na hindi rin binigyan ng special treatment si VP matapos na hindi sumailalim si VP Sara sa karaniwang mugshot procedure nang maglagak ng piyansa sa korte.

Ayon kay Castro, may umiiral na proseso para sa mga akusadong direktang nagtungo sa korte at naglagak ng cash bond.



Paliwanag ni Castro, kapag kumpleto ang mga kinakailangang dokumento, kabilang ang larawan, sketch ng tahanan at address at barangay certificate, hindi na kinakailangang pumunta pa sa presinto para sa karaniwang mugshot o booking procedure. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)