Advertisers

Advertisers

Drama ni VP Sara ‘di umubra sa DILG chief

0 1

Advertisers

GUSTO umano sumuko at magpakulong ni Vice President Sara Duterte sa Camp Crame noong Biyernes, Sept. 4, 2026, ngunit sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na gusto rin ng kampo ng Vice President ng “drama” at pagkakataong makuhanan siya ng larawan na nakakulong at nakaposas.

Ayon kay CIDG chief Major General Robert Alexander Morico, batay sa naging negosasyon ng PNP-CIDG at ng security team ni Duterte, nagtanong pa ang kampo ng VP kung saang jail facility siya ilalagay at kung ano ang pagkain na ihahain sa kaniya.

Ngunit bigla umanong nagbago ang plano at hindi na tumuloy si Duterte sa Camp Crame. Sa halip, nagtungo siya sa Quezon City Regional Trial Court kinabukasan (Sabado) kungsaan doon naman ito gumawa ng mga drama, tulad ng pagtanggi gumamit ng elevator kung hindi kasama ang taumbayan, ayaw umakyat sa hagdanan dahil baka itulak daw siya tulad ng ginawa kay Ninoy Aquino, at sino raw ang mananagot ‘pag pinatay siya, tapos gusto kasama ang media… pero nang tanungin ng media kung saan pupunta, sumagot itong: “Bakit ko sasabihin?”.



Sinabi ni Remulla na minabuti ng PNP na igalang si Duterte bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, kaya wala aniyang basehan ang alegasyon ng harassment.

Hinamon din ni Remulla ang kampo ng VP na maglabas ng patunay na may harassment na ginawa laban sa kaniya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">