Advertisers

Advertisers

Abogado ng depensa butata sa PSA statistician

0 4

Advertisers

TINANONG ni defense counsel Justin Nicol Gular ang witness na si Assistant National Statistician Marizza Grande kaugnay ng mga ipinakitang acknowledgement receipt at civil registry document ng mga indibidwal na nakatanggap ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd.

“No’ng binigay niyo ang civil registry document ng mga taong nabanggit kanina, kinuha n’yo po ba ‘yung consent nila?”

Sabi ni Grande, hindi na kailangan ng pahintulot o consent para makuha ang naturang impormasyon ng mga indibidwal



“We don’t think kailangan ng consent ng individuals…no,” aniya.

Sinundan ni Gular ng tanong si Grande: “Are you aware that any information in a civil registry document is sensitive information?



“Yes, sir,” sagot ng witness.

Ipinaliwanag ni Grande na walang nilalabag na Data Privacy Act dahil sinasabi sa seksiyon 13F ng batas na maaaring ihayag ang impormasyon kung mayroong lehitimong layunin, tulad ng isang pagsisiyasat ng Kongreso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">