Advertisers

Advertisers

Plunder case vs Romualdez isinampa

0 3

Advertisers

NAGSAMPA ang Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan kaugnay ng iregularidad sa mga flood control project.

Inakusahan ng mga imbestigador ng Ombudsman sina Romualdez at dating Ako Bicol Representative Zaldy Co ng “concerted and coordinated acts” na labag sa batas na makapagkamal at makakuha ng tinatayang P56 bilyong ill-gotten wealth mula 2022 hanggang 2025.

Inihain ang kaso sa Sandiganbayan Setyembre 7, 2026.



Matatandaang naunang itinuro ng Office of the Ombudsman ang dating House Speaker bilang “purported mastermind” sa kontrobersiya sa mga naturang proyekto ng pamahalaan.

Noong Hulyo, inihain naman ng special panel investigators mula sa tanggapan ang isang supplemental complaint kungsaan inirekomenda ang pagsasampa ng iba’t ibang kasong kriminal laban kay Romualdez gayundin kay Co, at iba pang indibidwal.



Sa kopya ng complaint, kaugnay ang pagsasampa ng mga kaso ng umano’y ilegal na pagkamal ng tinatayang P56 bilyon mula sa mga transaksyon ng pamahalaan sa pagitan ng taon 2022 at 2025 sa pamamagitan ng mga infrastructure at flood control projects.

Kabilang sa mga inirekomendang kaso ang plunder, direct at indirect bribery, graft, at money laundering.



Noong Agosto, kinuwestiyon ni Romualdez ang kredibilidad ng mga alegasyon kasabay ng pagbibigay-diin sa pagbawi ng mga testimonya ni Orly Guteza at ilang miyembro ng “Maleta Boys” na umano’y nagdidiin sa kanya sa naturang isyu.

Bukod kina Romualdez at Co, dalawa pang indibidwal ang isinama sa kaso.

Tinatayang P7.4 bilyon ang halagang tinukoy sa plunder charges na may kaugnayan sa flood control anomaly.

Patuloy naman ang pagtanggi ni Romualdez sa mga alegasyong pagkakasangkot sa flood control scam at pagtanggap ng male-maletang pera bilang kickback sa mga proyekto.

Samantala, na-raffle sa Sandiganbayan Third Division ang kasong plunder laban kina Romualdez at Co kaugnay ng iregularidad sa flood control projects.

Kabilang din sa kaso ang dalawa pang indibidwal.

Hawak din ng Sandiganbayan Third Division ang kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta at kasong malversation laban kay dating Senador Bong Revilla.