Advertisers

Advertisers

APAT NA JAPANESE NATIONALS NA SANGKOT SA IBA’T-IBANG KASO, DINEPORT NG BI

0 3

Advertisers

IDINEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Japanese nationals sa Japan nitong Martes, September 8, dahil sa pagiging overstaying, undocumented at pagiging pugante at dahil sa pagkakasangkot umano sa mga iligal na aktibidad gaya ng fraud at theft.

Ang mga dineport ay kinilalang sina Oi Riho, 28 at Moriyama Yu, 31, na napatunayang overstaying, undocumented at undesirable aliens na may kaugnayan umano sa telecommunication fraud, online gaming fraud at kidnapping-related scheme.

Idineport din sina Daisuke Ikeno, 51 at Hamai Daisuke, 53, na kapwa idineklarang ‘undesirable aliens’ dahil sa pagiging pugante at pagkakaroon ng standing warrants sa Japan pasa sa kasong pagnanakaw.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Sinabi ni BI deputy spokesman Melvin Mabulac na ang apat ay isinakay sa isang Japan Airlines flight patungong Narita, kasama ang ilang personnel mula sa Japan National Police Agency (JNPA).

Ayon kay Mabulac, ang deportation ay isinagawa alinsunod sa Philippine immigration laws at established procedures, sa pakikipag-ugnayan sa Japanese authorities. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)