Advertisers

Advertisers

3 akusado sa Degamo massacre ‘guilty’ sa ilegal na armas, pampasabog

0 2

Advertisers

Nahatulan ang tatlong akusado na iniuugnay sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na armas at pampasabog, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Martes.
Kinilala ng DOJ ang mga akusado na sina Joric Garrido Labrador, Joven Calibjo Javier at Benjie Rodriguez.
Sa desisyon ng Regional Trial Court (RTC) Manila Branch 40, napatunayan beyond reasonable doubt ang mga krimeng unlawful possession of a firearm and ammunition sa ilalim ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at unlawful possession of explosives sa ilalim ng Presidential Decree No. 1866.
Nasentensiyahan si Labrador ng walo hanggang 10 taon pagkakakulong sa illegal possession of firearm and ammunition, habang kapwa sinentensiyahan ng reclusion perpetua sina Javier at Rodriguez dahil sa illegal possession of explosives.
Ayon sa DOJ, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad matapos ang pamamaril kay Degamo at ilan pang biktima sa Pamplona, Negros Oriental noong Marso 4, 2023.
Narekober mula sa tatlong akusado ang isang .45 caliber pistol, dalawang magazine, 14 na bala at dalawang hand grenade.(Jocelyn Domenden)