Advertisers

Advertisers

Sen. Marcoleta iginiit may karapatan parin bumoto bilang Senator-Judge

0 5

Advertisers

MARIING iginiit ni Senator Rodante Marcoleta na maaari pa rin niyang gampanan ang tungkulin bilang Senator-judge ng impeachment court, kabilang ang pagboto at paghahain ng mga manifestation, sa kabila ng pagkakadetine sa New Quezon City jail.

Sa isang liham kina Senate President Win Gatchalian at presiding officer Chiz Escudero, nagpasa si Marcoleta ng dalawang manifestation—ang pagtutol sa pagkakatalaga kay Escudero bilang presiding officer at pagsuporta sa pagpapanatili ng 16-vote requirement para sa conviction sa impeachment trial.

Ayon kay Marcoleta, walang nakahahadlang sa kaniyang legal capacity na bumoto bilang senator-judge dahil hindi siya nakasailalim sa preventive suspension.



Nakadetine siya kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa donasyong natanggap bago ang 2022 elections.

Samantala, patuloy na pinag-uusapan ng Impeachment Court ang voting threshold matapos kuwestiyunin ni Senator Erwin Tulfo ang posibilidad ng “Acquittal by default” kung mababawasan ang mga senator-judge na makaboboto.



Inimbitahan ng korte ang apat na retiradong supreme court justices bilang Amici Curiae upang magbigay ng ekspertong opinyon sa usapin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">