Advertisers
TIMBOG ang mag-jowang high-value individual ng PNP Calabarzon4A sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bilibiran, Binangonan, Rizal — na may nakumpiskang drogang nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Sa ulat na nakarating kay PRO4A Regional Director PBGen. Dominic Baccay, ginawa ang operasyon dakong ika-6:30 ng gabi, Setyembre 12, 2026.
Pinangunahan ito ng PNP-DEG Special Operations Unit 4A sa pamumuno ni P/Capt. John Carlos Orriesgado at PDEA Rizal, sa ilalim ng superbisyon ni Col. Richard Ang.
Nadakip sina Alyas “Buboy”, 23 anyos at Alyas “Junainah”, 22 anyos kaapwa residente ng Brgy. Bilibiran.
Nakumpiska sa mga ito ang 1 kilo ng puting kristal na droga — halagang P6.8 milyon, Boodle money na ginamit sa operasyon.
Mga cellphone, lisensya, at passport at sasakyang Mitsubishi Xpander na gamit ng mga suspek.
Ang mga droga ay nai-turn over na sa Rizal PNP Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri. Ang dalawang suspek ay nakapiit na sa Binangonan PNP at kakasuhan sa paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. (Edwin Moreno)