Advertisers

Advertisers

VILMA SANTOS LIGWAK MAGING NATIONAL ARTIST

0 2

Advertisers

Ni Favatinni San

NAIHAYAG ng Office of the President, Malacañang Manila ang sampung National Artist. Asang-asa ang mga supporters ni Vilma Santos na siya ay hihiranging Alagad ng Sining ng NCCA para sa category Film Broadcast and Media. Katunayan naka-display ang poster ng Sister Stella L. a hallway ng FDCP lobby. Ligwak muli si Vilma. E, nagsabing kulang pa rin ang credential as an actress ayon sa screening committee of NCCA.

Isa pa, huwag sabihing box-office at grandslam queen, ilang pelikula ang binigyan ng recognition sa international filmfest. Ilang pelikula niya na nakasali sa prestigious filmfest abroad ang mga movie ni Vilma. The late Nora Aunor won international best actress in five continents.

Up to now, umiikot ang BONA at HIMALA sa abroad, really classic film at globe theme. Sa musika, entablado at television, angat talaga si Ate Guy.

Bakit inabot ng Setyembre ang announcement e dapat buong Abril 2026.

Aminin natin, mas tinutukan ng nanay ni Lucky at Ryan Christian ang politika.

Kahit nakabalik sa paggawa ng pelikula, ay ‘di pa rin sukatan para ma-nominate na National Artist

Naku, maraming supporters ni Dolphy, Nida Bkanca, Eddie Garcia, Pilita Corrales, Freddie Aguilar at Lea Salonga.. . na hirangin maging Alagad ng Sining.

Sa taong 2028 ang susunod na paghirang ng National Artist. Well, for Vilma, don’t worry, your may come.

BEA ALONZO GOODBYE SYOBIS

SA pag-aasawa ni Bea Alonzo, marami naman ang natuwa. Mayaman din si Bea at pumayag naman sa nuptial agreement ni Vincent Co.

‘Yun din naman ang hiling ng kanyang ex-manager na mag-asawa para magkaroon ng sariling pamilya.

May TV project pa siya sa GMA-7 at tapos na ang kontrata niya.

Ang masakit lang, ‘yung panig niya ay hindi narinig ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Shirley Kuan. Tahimik as in no comment ang drama ni Bea. Goodbye syobis na ba?

ANAK NG AKTOR-POLITIKO, BUNTIS RAW?

UMIIKOT sa apat na sulok ng syobis, nasa interesting stage ang kanilang anak na babae.

Yes, aktor naging politiko ang kanyang ama. Hindi man siya naging artista e anak naman ng isang aktor, ‘di pwedeng taasan ng kilay ang kanyang galing sa pag-arte.

Kung sabagay, tapos na sa kanyang pag-aaral ang ating bida sa blind item. May magagawa ba ang kanyang parents kung na in love ang anak nila sa isang lalaki na shooter sa basketball.

Cinex ang girlalu sa ating pitik bulag.