Advertisers

Advertisers

Manyakol timbog sa manhunt ops

0 3

Advertisers

NADAKIP na sa isinagawang man hunt operation ng mga pulis ang isang lalaki na kabilang sa Most Wanted Person na sangkot sa kaso ng pangagahasa sa Guiguinto, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni Acting Provincial Director PCol.Jay Baybayan kinilala ang suspek na si alyas Jai, 58 anyos, janitor residente ng Brgy, Tabang sa nabangit na bayan.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad nasukol ang suspek sa bisa ang warrant of arrest ganap na alas-2:00 ng hapon nitong Setyembre 15 2026 sa Brgy, Poblacion.
Una nang inisyu ni Malolos RTC Branch 78 Prisiding judge, Hon. Golda J. Pablo -Salamat, ang Criminal Case No. 5928-M-2026,sa kasong Rape.
Samantala detenido ngayon ang suspek sa Guiguinto Municipal Jail kung saan walang piyansang inerekuminda ang korte para kanyang kalayaan.(Thony D. Arcenal)