Advertisers

Advertisers

Absolute pardon kay Mary Jane Veloso, ikinokonsidera ni PBBM – Palasyo

0 7

Advertisers

KINUMPIRMA ng Malacañang na ikinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng absolute pardon kay Mary Jane Veloso.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro na nakarating na sa Pangulo ang liham ni Veloso, bagama’t wala pa siyang ibinigay na detalye tungkol sa nilalaman nito.

Ayon kay Castro, kabilang sa pinag-aaralan sa konsiderasyon ng pardon ang posisyon na wala namang kasalanan si Veloso sa kasong kinaharap nito.



Sinabi rin ng opisyal na napag-uusapan na sa Palasyo ang usapin, ngunit limitado pa ang mga detalye na maaaring ibahagi sa publiko sa ngayon.

Batay sa impormasyong nakarating kay Castro, wala na umanong pangangailangan na ipagbigay-alam pa sa Indonesia ang pagbibigay ng pardon kay Veloso sakaling tuluyang ipagkaloob ito.



Gayunman, hiniling ni Castro na bigyan muna ng panahon ang Pangulo na pag-aralan at pagnilayan nang mabuti ang usapin.

Aniya, ang magiging desisyon at timing ng anumang anunsyo ay nasa Pangulo pa rin, at ipaaalam na lamang ng Palasyo sa publiko kapag mayroon nang pormal na development. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">