Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa bangga sa checkpoint

0 3

Advertisers

NASAWI ang 47-anyos na pulis nang salpukin ng isang sasakyan habang nagsasagawa ng overlapping checkpoint ang mga tauhan ng Jimenez Municipal Police Station (MPS) sa Jimenez, Misamis Occidental, Linggo ng gabi ng Setyembre 21, 2026.
Ayon sa inisyal na ulat, nagsasagawa ng overlapping checkpoint ang mga tauhan ng Jimenez MPS nang dumating ang isang Mitsubishi Xpander na bumibiyahe mula Aloran patungong Ozamiz City.
Sa halip na ligtas na makadaan, iniulat na unang bumangga ang sasakyan sa checkpoint signage bago sumalpok sa isang pulis na nakatalaga sa checkpoint.
Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng malubhang pinsala ang 47-anyos na police officer. Agad siyang isinugod sa Jimenez Medicare Community Hospital ngunit Kalaunan ay namatay rin.
Samantala, ang driver ng Mitsubishi Xpander ay isang 60-anyos na retiradong sundalo, na iniulat ng pulisya na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng alak nang mangyari ang insidente.
Dinala sa Jimenez MPS ang driver kasama ang sasakyan para sa kaukulang disposisyon.