Advertisers
SINABI ng Malacañang na walang epekto sa paglilitis sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan ni US President Donald Trump sa mga miyembro ng ICC na umalis sa international tribunal.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagpapatuloy ang proceedings sa ICC at patuloy na nakikilahok ang mga complainant, abogado, prosecutors, at defense team ni Duterte.
Nakaiskedyul ang pagbubukas ng trial sa November 30, 2026.
Sinabi ni Castro na nirerespeto ng Pilipinas ang posisyon ng US, ngunit hindi pa umano napapanahon para muling sumali ang bansa sa ICC.
Nanatili aniyang unchanged ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr tungkol dito.
Umalis ang Pilipinas sa Rome statute noong March 2019.
Gayunman, pinagtibay ng ICC appeals chamber noong April 2026 ang jurisdiction nito sa Duterte case, kaugnay ng mga umano’y krimeng naganap habang miyembro pa ng Rome statute ang Pilipinas.
Si Duterte ay nahaharap sa tatlong counts ng crimes against humanity kaugnay ng umano’y mga pagpatay sa drug war.
Noong April 2026, kinumpirma ng ICC pre-trial chamber ang lahat ng charges at isinulong ang kaso para sa full trial.