Advertisers
NAIS ipatupad ng Philippine National Police ang pagkakaroon ng emergency alert system sa buong Pilipinas upang mas mapabilis ang pag-uulat ng school emergencies.
Bunsod ito ng kabilaang insidente sa mga paaralaan sa mga nakalipas na buwan.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na kanilang pinag-aaralan ang pagpapatupad ng “Build Partnership. Early Detection. Swift Alert. Tactical Response o (B.E.S.T).
Ang technological platform ay binuo ng Calabarzon regional office, kung saan mas mapapabilis ang koordinasyon at komunikasyon ng bawat paaralan sa mga awtoridad kung may banta man ng sakuna.
Sa ilalim nman ng Calabarzon pilot program, inaasahang gagamitin ng halos 155 na paaralan ang application bilang parte ng mas organisado at mabilis na response tool.