Advertisers

Advertisers

DOC NIELSEN DONATO OF BORN TO BE WILD SPOTTED SA WORLD PET EXPO 2026!

0 51

Advertisers

Ni Direk JM

Spotted sa World Pet Expo 2026 ang Isa sa sikat na Host at Veterinary Doctor na si Doc Nielsen Donato ng sikat na show about nature and animals na Born to Be Wild last Saturday sa Day 3 ng World Pet Expo.

Napakarami talaga ng fans at tagahanga ng Born To Be Wild both Hosted by Doc Nielsen Donato and Doc Ferds Recio. Napakarami ng nakinig at nanood kay Doc Nielsen Donato on stage ng magsalita na siya sa event at mag lecture about sa mga Dog food and other tips about Dogs and Cats and other pets, imagine 18 years na din ito airing sa isang sikat na Network ang Born To Be Wild.



Kasama pa nga ni Doc Nielsen ang ilan sa kanyang mga Dogs ang isa ay Golden Retriever na according to him ay oriniginally alaga ng kanyang Daughter pero parang naging sariling Dog na din niya ito dahil siya lagi ang kasama nito sa kanyang morning walk.

Masaya ang inyong lingkod na showbiz manunulat dahil na meet ko sa event na ito si Doc Nielsen at talaga naman na isa ako sa kanilang taga hanga sa Born to Be Wild ever since na simula ng ipalabas ang show na ito dahil isa din naman ako sa mga tao na since childhood ay mahilig na talaga sa mga pets.



Sa dami naman ng mga booth ay may isang booth na nakatawag ng aking pansin dahil hindi lahat ng event ay makakakita ka ng ganito at ito ang booth ng Dipper Co. ni Ramon Santiago at Prof Stone PH. Ni Francis Botona, nakakamangha ang kanilang booth dahil kakaiba ang kanilang mga paninda like Meteorites and Fossils. Talaga naman natuwa ang mga bata at matanda sa kanilang booth dahil mahirap humanap ng tinda nilang mga items.

Bukod naman sa mga ito ay napakaraming booth din na nag cater ng ibat ibang pets tulad ng mga reptiles, mga isda tulad ng betta fish at mga arowana pati na mga daga like hamsters and guinea pigs.



Mainit man sa venue kahit may aircon dahil sa dami ng mga tao at halos di na makalakad na parang nasa prosisyon ang mga tao ay I think all In ay nag enjoy naman ang lahat over all the event na ginanap sa World Trade Center from September 24 – 27.