Advertisers

Advertisers

Cayetano nanawagan ng ‘radical change’ sa sistema ng edukasyon.

0 18

Advertisers

Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Biyernes sa Department of Education (DepEd) na magsagawa ng mga malalaking reporma upang higit na mapabuti ang sistema ng edukasyon sa bansa sa kabila ng limitadong pondo.
Sa budget briefing ng DepEd para sa proposed 2027 budget nito noong October 16, 2026, binigyang diin ni Cayetano ang pangangailangang suriin muli ang mga kasalukuyang pamamaraan at tukuyin ang mga konkretong solusyon sa kakulangan ng mga silid-aralan, pondo ng K to 12 , at stunting o pagkabansot ng mga bata.
“If we keep doing and expecting different results, it won’t happen, but sometimes you have to have a radical change. There has to be this one thing that can be done in 2027,” wika ni Cayetano.