Advertisers

Advertisers

Dagdag-sahod sa Region VI at XII aprub ng DOLE

0 18

Advertisers

INAPRUBAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa Western Visayas (Region VI) at SOCCSKSARGEN (Region XII).

Sa Region VI, tataas ng P40 hanggang P45 ang arawang sweldo ng mga manggagawa na magiging epektibo simula ngayong Nobyembre 19, 2026.

Makatatanggap din ng karagdagang P500 sa kanilang buwanang minimum wage ang mga kasambahay o domestic workers sa buong Western Visayas.



Samantala, sa Region XII naman ay inaasahan ang kabuuang P41 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor na ibibigay sa dalawang tranches.

Ipatutupad ang unang tranche na P16 simula Nobyembre 19 habang ang natitirang P25 ay magiging epektibo sa Enero 1 ng darating na taon.



Makatatanggap din ang mga kasambahay sa SOCCSKSARGEN ng karagdagang P450 sa kanilang buwanang sahod upang makatulong sa pang-araw-araw na gastusin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">