Advertisers

Advertisers

Malacañang, naglabas ng EO para sa malinaw na patakaran sa class suspensions

0 28

Advertisers

KINIKILALA ng Marcos administration ang mga hamong kinakaharap ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral dahil sa sunod-sunod na suspensyon ng klase bunsod ng iba’t ibang sakuna at kalamidad.

Dahil dito, naglabas si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng executive order (EO) na nalalatag ng mas malinaw na mga patakaran sa pagsususpinde ng klase at kung kailan maaaring ipagpatuloy ang mga ito.

Ayon kay Communications Undersecretary Atty. Claire Castro, sa ilalim ng kautusan, binibigyan ng karagdagang kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na magpasya kung saang partikular na lugar o paaralan lamang kailangang suspindehin ang klase, depende sa sitwasyon.



Sa ganitong paraan, mas angkop at direktang natutugunan ng mga LGU ang mga pangangailangan ng kani-kanilang lugar.

Pinahihintulutan din ang mga paaralan na magsuspinde ng klase kung kinakailangan, lalo’t nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral.



Inaasahan naman ng Palasyo na makatutulong ang EO upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga bata sa pamamagitan ng alternative learning arrangements kahit suspendido ang face-to-face classes. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">