Advertisers
DUMATING sa Department of Justice (DOJ) si Senador Robinhood ‘Robin’ Padilla upang dumalo sa pagdinig ng prosekusyon sa kinakaharap niyang reklamo.
Personal na nagtungo nitong Biyernes, Nobyembre 27 sa kagawaran ang mambabatas kasama ang kanyang abogado na si Atty. Julius Henry Balteza ilang minuto bago mag-alas-2 ng hapon.
Ayon sa kanyang abogado, nagsumite ang senador ng ‘rejoinder affidavit’ bilang tugon sa ‘reply’ ng ‘complainants’ patungkol sa makaraan nitong ‘counter-affidavit’.
Dito aniya sinagot ng senador ang mga bagong argumento o alegasyon ng mga naghain ng reklamo kasabay ng paninindigan na inosente ang mambabatas.
Pahayag ng senador, ang pagtungo sa tanggapan ng personal ay bilang pagpapakita na rin umano ng paggalang sa batas.
Si Sen. Padilla ay nahaharap ngayon sa reklamong ‘obstruction of justice’ kaugnay sa umano’y pag-asiste kay Sen. Bato Dela Rosa para makalabas ng senado.
Pinararatangan siyang tumulong sa puganteng mambabatas upang matakasan ang pagsisilbi ng ‘arrest warrant’ na inisyu ng International Criminal Court.