Advertisers

Advertisers

Ina kinatay, isinilid sa storage box at itinapon sa liblib na lugar ng anak

0 300

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki nang patayin ang sariling ina dahil sa away sa pera sa Pasig City.
Kinilala ang biktima na si Ma. Elena Estella Villastique, 67 anyos.

Natagpuan ang labi ni Elena sa isang storage at tinapon sa isang liblib na lugar sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nagkainitan ang biktima at ang anak niyang si Raymond, 28 anyos, nang pagbintangan ito ng pagnanakaw ng pera.



Sa gitna ng pagtatalo, dumampot ng kahoy si Raymond at hinampas sa ulo ang ina.

Nang patay na ang ina, binalot ni Raymond ang bangkay nito sa kumot at plastic at isiniksik ito sa storage box.



Marso 6 nang makita sa CCTV ang salarin na hinahatak ang isang storage box palabas ng kanilang bahay.

Ini-report ng mga kaanak na nawawala si Ma. Elena nang hindi siya pumasok sa negosyo niyang canteen.



March 11 nang i-report ng isang residente ang masangsang na amoy sa isang sitio sa Barangay Matictic.

Nang puntahan ng mga tanod ang lugar, nakita nila ang puting storage box na naka-tape at nang buksan, bumungad sa kanila ang labi ng biktima.

Sa autopsy na isinagawa ng punerarya, blunt head trauma o pinukpok ng matigas na bagay sa ulo ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Ayon pa sa NBI, nasaksihan ng 6 taon gulang na anak ng salarin ang ginawang pagpaslang sa kanyang lola.

Naaresto ang salarin nang magsumbong sa otoridad ang isang kaanak na nakita niya ito sa isang mall.

Umamin sa krimen si Raymond at itinuro kung saan niya itinapon ang bangkay ng kaniyang nanay.

Pero aniya, walang kinalaman sa pera ang krimen.