Advertisers

Advertisers

122 katao na ang nagkasakit sa oil spill sa Mindoro – DOH

0 187

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) nitong Martes na umaabot na sa 122 katao ang naitalang nagkasakit dahil sa oil spill mula sa isang lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na karamihan sa mga nagkasakit ay nakaranas ng pananakit ng ulo at mga respiratory-related symptoms gaya ng ubo at sipon.

Marami rin aniya ang nahilo, may sumakit ang tiyan, nahirapang huminga, nagkaroon ng skin rashes at sinumpong ng hika.



Karamihan naman aniya sa mga ito ay kaagad ding nakarekober mula sa dinanas na sintomas habang isa lamang ang kinailangang maospital dahil sa pagsumpong ng hika ngunit nakalabas din ng pagamutan kinabukasan. (Andi Garcia)