Advertisers

Advertisers

Talent ni Jojo Veloso na si Mikhael Padua, wish sundan ang yapak ni Michael V.

0 778

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

Si Mikhael Padua ang isa sa maraming new talents ni Jojo Veloso na inihahanda niya para sa Viva One.
Sa aming panayam sa guwapitong newcomer, ito ang nalaman namin sa kanya.
Panimula ni Mikhael, “Ako po ay 20 years old, sa ngayon po ay di po ako nag-aaral ng college pero nabili po ako ng sari-saring courses about sa pagpapalago ng pera at iba’t iba pang skills na makakatulong sa akin sa buhay at sa career like Trading, Cryptocurrencies, Photography, Music, at iba pa.
“May upcoming indie film po ako with Direk Ronald Rafer about sa child trafficking at iba pa po. Bale, puro gigs po ang mayroon ako sa ngayon habang hinihintay ko po ang workshop sa Viva. DJ din po kasi ako. Naghahanda rin po ako para sa performance ko sa Laoag, Ilocos Norte sa March 17 and 18.”
Paano siya napasok sa showbiz?
Wika ni Mikhael, “Noong 2019 po, after winning Kisig Turismo Quezon 1st Runner-up po, nagkaroon po sila ng film with the Boy Scouts of the Philippines. Extra lang po sana ako noon, wala pa pong experience sa acting, pero since ‘di po dumating yung artista na gaganap sana sa role na yun, ako na lang po yung pinili.
“Kaso di lang po natuloy na ipalabas, dahil po sa pandemic. Na hanggang sa ngayon ay hindi na po ito ipinalabas.”
Pagpapatuloy na kuwento pa niya, “Naging manager ko po si Tito Jojo noong October 2020 po, kasagsagan po ng pandemya. Sumali po ako sa Artista New Faces sa Global TV Network. Nanalo po ako roon as monthly finalist. Siguro po nakitaan ako roon ni Mommy Jo ng potential. Eh ako naman po, iniisip ko opportunity na rin naman po yun kaya sumali na po ako sa Philmoda.”
Since sa Viva One siya isasabak, ibig sabihin hindi siya puwedeng magpa-sexy sa movies?
“Sa totoo nga lang po, yun ginagawa ko ngayon para po magkaroon pa ako ng iba-pang projects. Pero bawal daw po ako mag-sex scenes, kasi pang-wholesome daw po ako, mga pangdrama po ganoon.
“Also, sakristan din po ako sa amin eh, hahaha! Like eight years old pa lang po ako, nakikita na po ako sa altar ng simbahan na palaging nagpapa-cute sa mga choir, hahaha!”
Nag-acting workshop ba siya? “Dati po sir pero sa ngayon po feeling ko kailangan ko na po uli, since sobrang tagal na po noong last ko.”
Anong klaseng movie o role ang gusto niya? “Ang gusto ko po ay mga comedy, action, drama, at romance, pero pinakagusto ko po ay comedy kasi ang naging pinaka-idol kong artista ay si Michel V..
“Wish kong sundan ang yapak niya, pero ang gusto ko rin pong sundan ang yapak ay sina Jackie Chan, Bruce Lee, at Scott Adkins. Sobrang galing po kasi nilang mga action stars. Sa kakapanood ko po sa kanila, na-inspire akong mag-aral ng martial arts,” sambit pa ni Mikhael.