Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pagsalang ni Kylie Versoza na isang beauty queen actress at isa na ring International actress dahil sa pagkilala sa kanya bilang Best Actress sa DIAFA or Distinctive International Arab Film Awards para sa film na Housemaid.
Sa pagsisiwalat ni Kylie kung paano nangyari ang pagtatagpo at pagkikilala nila ng sikat na Hollywood actor na si Steven Seagal.
Magkasama nga raw sila sa isang mesa para sa mga awardee na tatanggap ng award sa DIAFA na ginanap sa Dubai.
As in, magkatabi pa sila sa upuan sa iisang table kaya naman nakakapag usap sila.
Medyo naimbiyerna raw na slight si Kylie nang mag-ask si Steven kung tagasaan siya. Nagpakilala naman si Kylie na sa Pilipinas ito nakatira mula sa BGC Makati.
Nagyayaya na raw mag-friendly date o kape kape si Seagal, sey ni Kylie kay Kuya Boy Abunda nang makapanayam ito ng King of Talk.
Sa pag-amin pa ni Kylie, isang taon na raw silang hiwalay ni Jake Cuenca.
Until now ay never pa raw silang nakakapag-usap.
Hihintayin na lang nga raw nito ang tamang panahon na magkikita at magkausap sila.
***
NAG-init ang ulo ng mga basher sa nakitang post sa socmed ni James Reid na kung saan sa larawan post ay kita na naka-holding hands nito ang sissy ni Yassi na si Issa Pressman.
Kahit noon pa mang naghiwalay sina Nadine Lustre at James noong 2020, si Issa na nga ang suspek ng JaDine fans na nang-ahas, nang agaw at third party sa relasyon nina James at Nadine Lustre.
Kaya ang solid JaDinians malamang ay iitsapuwera na si James at di na sila susuporta sa binata.
Itinanggi naman ng actor na si Issa ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Nadine, ang mahalaga nga raw ay happy si James sa nangyayari sa kanyang lovelife ngayon sey pa nito sa comment.
Marami namang nawindang na netizens sa kabila na alam na noon pa ng JaDine fans na may third party sa hiwalayan ng ex-couple na James at Nadine.
Kaya humanda nga raw si Issa sa mga pangba-bash ng JaDine.
Well, well, well… ‘Yun na!