Advertisers

Advertisers

‘Absenteeism’ kaso ng Kamara kay Rep. Teves

0 184

Advertisers

NATULALA ako rito sa tinuran ni Senador Robinhood Padilla. Kung hindi raw sana outdated ang ating Constitution, wala sanang oil spill sa Mindoro. Ngek!

Anong kinalaman ng oil spill sa Constitution? Animal!

Sabi naman ng kosa niyang si Sen. “Bato” Dela Rosa: Maaaresto lang ng ICC si ex-President Rody Duterte kung komunista ang pangulo ng Pilipinas tulad nina Sen. Risa Hontiveros at ex-Sen. Antonio Trillanes. Hahaha…



Ginagawang kenkoy ng dalawang senador na ito ang Senado. Kasalanan ito ng Comelec at Smartmatic. Hehehe…

***



Napanood nyo ba ang bagong video ni Cong. Arnie Teves na kasalukuyan nasa ibang bansa dahil sa naka-schedule niyang medical procedure?

Sinabi niyang nakakapagtaka na hindi siya pinayagan ng House Ethics Committee na magsalita via Zoom kahit puede ito as per rules, at nagawa na ito noong pandemic. Kinukwestyon ng komite ang kanyang pag-absent.



Medyo katawa-tawa lang ang pagbato ng absenteeism kay Teves, lalo pa’t isa siya sa iilan lamang na pumapasok araw-araw sa Batasan kahit noong kasagsagan ng pandemya. Dahil dito, hinamon ni Teves na ilabas ang listahan ng buong attendance ng mga miyembro ng Kongreso para makita kung sino-sino talaga ang hindi pumapasok. Araguy!!!

Nagpaalam si Teves ng extension sa kanyang travel pero hindi pinayagan. Leave na ang kanyang hiling pero hindi pa rin pinayagan.

Nabanggit ni Teves na gusto na niyang umuwi pero may matinding banta sa kanyang buhay. Sino nga naman ang uuwi sa ganitong mga pagkakataon? Miss na nga raw niya ang Pilipinas, pero papano naman daw ang kanyang buhay?

May mga binanggit ang mambabatas tungkol sa mga anggulo kung bakit siya ang idinidiin sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Nabanggit niya ang pagpasok sa negosyo ng E-sabong bago masuspinde ang operasyon ng industriya. Maaari ngang may anggulo na awayang negosyo ang malagim na insidente sa Negros Oriental. Tingin nyo, mga pare’t mare?

Tila bilang patunay sa anggulong awayang negosyo, kaagad sinuspinde ng PCSO ang STL franchises ni Teves kahit ‘di pa napapatunayang guilty ang mambabatas, at wala itong koneksyon sa pag-usad ng kaso. Ang tanong, kanino ibibigay ang mga prangkisang ito at sino ang makikinabang? Maaaring tingnan ito ng awtoridad. Mismo!

Isa pang anggulo ay ang pasabog ni Teves na Enero palang ay sinabi na niya na itutumba siya. May operation raw laban sa kanya. Matapos ang pahayag niyang ito ay kahina-hinala na ni-revoke ang lisensiya ng kanyang mga baril at tinanggalan pa siya ng bodyguard. Tsk tsk tsk…

Ngayon ay nagkapatong-patong bigla ang pagdiin kay Teves sa insidente kay Degamo. Na kung susuriing mabuti, may mga kuwestiyonableng lapses sa security noong araw ng pamamaslang. Parang bulang nawala ang security detail ng gobernador nang nangyari ang insidente, Marso 4, 2023.

Matapos ang pamamaslang ay ni-raid ang compound ni Teves. Naniniwala ang kampo nito na tanim ang mga ebidensiyang nakuha sa raid, at naglagay pa ng mga witness kuno para madiin siya. Base narin sa CCTV footage na ipinamahagi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, kahina-hinala ang galaw ng mga operatiba.

Dahil sa mga pangyayari, tila may katotohanan ang pahayag ni Teves na target na siya bago pa ang pagpaslang kay Degamo.

Malungkot talaga ang mga pangyayari sa Negros Oriental. Pero mas nakakalungkot ang pagbuhol-buhol ng mga pangyayari at ang kuwestyonableng mga galaw ng ating mga opisyal. Hangga’t hindi nasasaliksik bawat anggulo sa pangyayari, walang katuldukan ang kaso ng pamamaslang…