Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulis sangkot sa hit-and-run sinibak!

0 337

Advertisers

Sinibak ng People’s Law Enforcement Board ng Quezon City ang isang ranking official at suspendido ang tatlo iba pang pulis na sangkot sa hit-and-run incident na pumatay sa isang tricycle driver noong Agosto 2022.

Sa ulat, hinatulan na ng PLEB si dating Quezon City Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong kaugnay ng pagkamatay ng biktimang si Joel Laroa.

Nakitang guilty si Abong sa multiple charges ng grave misconduct, grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer.



“Overwhelming circumstantial evidence…Wala na kaming iba pang konklusyon kung hindi si Mark Julio Abong ang siyang nakasagasa,” ani PLEB chairperson Rafael Calinisan.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ng kapatid ni Laroa kung saan binangga umano ni Abong sakay ng itim na Ford Ranger ang biktima.



Sa kabila na tulungan ang nasagasaan, napaulat na tumakas pa ang opisyal sa tulong ng mga kasamahang pulis na sina Police Colonel Alexander Barredo at Police Corporal Joan Vicente.

Sa sertipikong pinirmahan ni PNP Chief Rodolfo Azurin kinumpirma na si Abong ay isinugod sa PNP Health Service sa gabi ng insidente para gamutin ang sugat na tinamo nito.



Napag-alaman din na lango sa alak si Abong at dinala pa sa health facility gamit ang police mobile ng lungsod.

Dahil dito, hinatulan na maging sina Barredo at Vicente dahil sa neglect of duty nang tulungan pa si Abong sa halip na arestuhin ito.

Nakita rin na guilty ng grave misconduct si Police senior master sergeant Jose Soriano nang subukang pigilan ang imbestigasyon kaugnay ng hit-and-run incident.

Kapwa suspendido ng anim na buwan ang mga ito.

Tugon naman ng mga akusado, ang lahat ng akusasyon laban sa kanila “malicious” at “baseless.”

Sinabi rin nina Barredo at Vicente na ang lahat ng ito tsismis lamang habang si Soriano naman nagsabing hindi niya alam ang naturang insidente.(Jun Fabon/Boy Celario)