Advertisers
Nanganganib ang buong NCR na patuloy na mawalan ng supply ng tubig dahil sa banta ng El NINO.
Marami ng mga siyudad ang nakakaranas hanggang tatlong (3) araw na water interuption na talaga namang napakalaking kalbaryo lalo na ngayon panahon ng tag-init.
Ayon sa MWSS,may sapat namang supply ng tubig sa NCR sa panahong ito ng El NINO ngunit sadya lamang talagang napakalaki ng demand sa tubig lalo na ngayon papasok na ang Semana Santa kung saan halos lahat ng tao ay nasa kanilang tahanan dahil sa mahabang holidays.
Dahil summer na nga,pinapayuhan(tips) natin ang mga kababayan natin na mag- ingat dahil may banta rin ng ” heat wave”.
Wag masyadong magbilad sa araw kung tayo ay pupunta sa mga beaches.
Posibleng magka- heat stroke tayo.
Kung nasa inyong mga tahanan naman,iwasan ang mga peligrosong oras mula 10 am hanggang 3pm kung saan napakainit ng temperatura.
Kung inom ng tubig,wag biglain lalo na kung malamig ang iinumin.
Posibleng magdulot din ito ng biglaang reaksyon ng ating body temperature lalo na nga’ t galing tayo sa matagal na exposure sa init sa labas.
Hindi na natin mawari kung parusa na nga ba ito ng kalikasan sa atin .
Kung anu- anong klaseng discomfort na ang ating nararanasan.
Summer, tag-init,El Nino, heat wave and what have you OMG talaga!.
Parang nasa mismong impiyerno na tayo hehehe.
Isa pang babala ngayong tag- init,uso rin po ang sunog dahil fire prevention months nga po pala ang Marso at Abril.
Ingat- ingat po talaga.
Kaawa- awa talaga tayong mga mahihirap na kung may air-condition units man sa mga tahanan ay limitado naman ang paggamit dahil sa sobrang mahal ng singil sa kuryente.
Kaya nagkakasya na lamang tayo sa kanya- kanyang diskarte.
Marami sa atin,sa mga malls na lamang tumatambay para maiwasan ang sobrang init ng panahon.
Kaawa- awang naturingan ang mga kababayan nating ang trabaho ay sa kalsada naka- asa at direktang expose sa init ng haring araw.
Mga traffic enforcers,tsuper ng PUVs, construction workers at mga vendors.
Ang mga ito ang masasabing posibleng madale ng heat stroke.
Malaki itong penitensiya sa mga binanggit natin na ang ikinabubuhay ay mula sa lansangan.
Sabi nga ng marami, nakakahilo talaga ang init lalo na sa katanghaliang- tapat .
Kaya naman napili nating i- discuss ang isyung ito ngayong araw lalo na sa mga senior citizens na mahilig pang magbulakbol sa labas.
Delikado po talaga para sa inyo babala ng health department.
Bawal din po ang mga outdoor activities para sa inyong mga senior citizens dahil sa banta ng heat wave.
So matutong sumunod sa payo ng mga experts at ng pamahalaan,
Wag maging pasaway!
Sa bandang huli,kayo din po ang kawawa.
A friendly reminder po mula sa REALIDAD at sa inyong lingkod.
Have a blessed HOLY WEEK everyone.
Sa mga kapatid nating Muslim, a solemn Ramadan po sa inyo!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com