Advertisers

Advertisers

QC SINUYOD, BONG GO NAMAHAGI NG AYUDA

0 194

Advertisers

Patuloy si Senator Christopher “Bong” Go sa pamamahagi ng tulong sa mga mahihirap matapos niyang personal na pangunahan ang relief activity sa Barangay Bagong Silangan, Commonwealth, Batasan Hills, Payatas, at Holy Spirit sa Quezon City.

Ginanap sa SB Park sa Brgy. Batasan Hills, si Go at ang kanyang team ay namahagi ng grocery packs, bitamina, meryenda, at maskar sa 500 mahihirap na residente.

Binigyan din nila ang mga piling indibidwal ng mga bagong pares ng sapatos, cellular phone, bisikleta, at bola para sa basketball at volleyball.



Ang Department of Social Welfare and Development ay namigay naman ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong residente.

Kasama si Konsehal Mikey Belmonte, kinilala ni Go ang pagsusumikap ng iba pang lokal na opisyal, kabilang sina Congressman Ralph Tulfo, Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Councilor Godie Liban, at iba pa.



Bilang chair ng Senate Committee on Health and Demography, hinimok ni Go ang mga taga-lungsod na i-avail ang tulong medikal mula sa alinman sa 11 Malasakit Centers sa QC.

Ang Malasakit Centers sa Quezon City ay matatagpuan sa Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center (EAMC), Veterans Memorial Medical Center (VMMC), Philippine Orthopedic Center, National Children’s Hospital, Philippine National Police General Hospital, at Quirino Memorial Medical Center (QMMC).



Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program. Sa ngayon, may 157 operational centers na ang nakatulong sa mahigit pitong milyong Pilipino sa buong bansa.

Pinangunahan din ni Senator Go ang inagurasyon ng dalawang bagong multipurpose building sa Barangay Bagong Silangan at Commonwealth.

Sinuportahan ng senador ang pondo para sa dalawang proyekto na lalo pang magpapabuti sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Sinabi ni Go na ang pagtatayo ng mga multipurpose na gusali ay magbibigay ng espasyo para sa iba’t ibang aktibidad, tulad ng mga pagpupulong sa komunidad, mga pagtitipon at iba pang event.

Aniya, ang mga pampublikong imprastraktura na ito ay hindi lamang magpapaunlad sa kalidad ng buhay ng mga residente sa mga barangay kundi makatutulong din sa pagsusulong ng pagkakaisa at pakikipagkapwa-tao.