Advertisers

Advertisers

ANG DARATING NA HALALAN

0 205

Advertisers

MAITUTURING nating mas personal ang parating na halalang barangay, kaya todo bantay ang ating kapulisan kapag nalalapit na ito. Paanong di magiging personal, eh mismong mga opisyal ng ating komunidad ang ating ihahalal.

Ibig sabihin pipili tayo ng mga nararapat na manilbihan sa atin bilang mga opisyal ng ating barangay. Kaya ang pagiging magkumpare o magkukumare ay nalalagay sa alanganin sa ganitong pagkakataon. Maging ang pagkakaibigan at barkadahan at siguro pati na ang pagiging magka-maganak ay naikukumprumiso na rin.

Ito rin ang dahilan marahil ng Commission on Elections na iurong ang panahon nito mula July 3 hanggang November 14 sa August 28 hanggang November 29 ng taon na kasalukuyan. Ito ay para makapaghanda ang lahat sa mga ipinagbabawal ng eleksiyong pang-barangayan, gaya ng pagbibitbit o pagsusukbit ng baril, at maging pagbibiyahe nito.



Mahalaga ang pagbabawal nito, dahil tumataas talaga ang krimen sa ganitong klase ng halalan. Hindi pa man nga nagsisimula ay may nababalitaan na tayong patayan. Eh kasi naman may magandang kapalaran din dala ang barangay elections, lalo na sa mga magsisipanalo. Lalo na kung malaki ang nasasakupan ng barangay at maraming negosyo dito. Ang mga ito kasi ang magdedetermina kung magkano ang magiging pondo kada taon ng isang barangay.

Dito, ang barangay kupitan este kapitan at ang kanyang mga kagawad ay pwede ng yumaman. Oh nagulat kayo. O’ bakit ka ninyo? Marami kasing pwedeng ihokus-pokus sa pondo ng barangay, at ang kapitan at mga kagawad lamang ang maaaring makagawa nito kasama na pati ang bumubuo ng Sangguniang Kabataan.



Di niyo ba napapansin, halos ang kupitan ehem, kapitan pala, at ang SK chairman ay kung minsan, di man mag-ama o mag-ina ay magkamaganak din. Kasi pwedeng pagtulungang nakawin ng kupitan at SK chairman ang mga pondo ng barangay. At di ko na idedetalye sa inyo, dahil alam ko namang kayo man ay may nauulinigan na ganyang mga isyu sa inyong barangay.

Kaya nga minsan nagkakapatayan na mismo ang mga opisyal nito. At kung di man, ay pinatutumba naman ng mga di napartehan ng maganda.



Kaya nga ito ang napili kong paksa, para paalalahanan kayo na sa inyong pagboto sa darating na halalan, piliin na mabuti at suriin ang mga budhi kung sino ang talagang nararapat na manilbihan sa ating barangay. Ang inyong mapipili ay tatawaging lingkod bayan, at siguraduhin ninyong di maglilingkod sa likod ng inyong kaalaman.