Advertisers

Advertisers

NADINE GUMAPANG SA LOOB NG HORROR HOUSE

0 110

Advertisers

Ni BETH GELENA

NADADALAS ang pagsasama nina Maricel Soriano at Nadine Lustre.
Pumunta ng horror house ang dalawang aktres para naman daw ma-experience nila ang mga nakakatakot na nilalang sa loob ng horror house.
Hawak ni Marya ang kamay ni Nadine habang pumapasok sa loob.
Hindi pa nagtatagal sa pagbaybay ng dadaanan ay bigla nang nagtitili si Nadine.
Si Marya ay kampante pa rin sa paglalakad pero hindi binibitawan si Nadine.
Nang may bigla silang nakasalubong sa parteng madilim sabay may kumalabit sa kanila, walang ginawa ang dalawang aktres kundi magpalakasan sa pagtili at hindi pa nila maiwasang mapamura.
Nawala ang composure ng dalawang aktres lalo na si Nadine na ilang beses pang nadapa sa loob ng horror house.
Napagapang pa si Nadine sa isang bahagi ng video dahil sa kanyang sobrang pagkakagulat.
Aniya, “Inay ayaw ko na,” na tila niyaya na ang ina na lumabas na sila.
Matapos ang kanilang horror house experience ay pawis na pawis si Nadine ngunit nag-enjoy naman daw siya.
Komento ng mga nakapanood ng video nila ni Marya.
“Hahaha! Ang genuine ng reaction ni Nadine. At ang over protective Inay shielded her from the ghosts.”
“Sakit tiyan ko kakatawa.”
“Tawang tawa ako sa tili nyong mag-ina! Ang gandang matakot ni Nadine.”
“Ms. Maricel is very caring too kahit takot din. Love you both Yung mahilig ka sa horror movie, pero matatakutin ka pala sa personal.”
***
LEA MAGPE-PERFORM SA WHITE HOUSE STATE DINNER
Si Lea Salonga ang kauna-unahang Filipino artist na magpe-perform sa White House State Dinner.
Isa ang Broadway actress-singer na naimbitahan sa White House State Dinner para kay South Korean President Yoon Suk-yeol.
Tweet nga ni Lea nang i-announce sa isang article ang kanyang upcoming show, “This is happening!” aniya sa kanyang Twitter page.
Base sa report ng Broadway World, makakasama rin ni Lea ang dalawa pang Broadway stars na sina Jessica Vosk at Norm Lewis.
Ang host ng event ay si First Lady Jill Biden kung saan inimbitahan din niya ang Korean-American James Beard Award-winning chef Edward Lee bilang guest chef.
Sina Demi Lovato, Ne-Yo at Sara Bareilles ang ilan sa mga artist na nag-perform sa recent State Dinners.
***
BARRETTO SISTERS BINIGYAN NG SURPRISE B-DAY PARTY SI LEON
Sinorpresa ng Barretto sisters (Julia, Claudia at Dani) ang nag-iisa nilang kapatid na lalaki na si Leon sa kaarawan nito.
Very close ang magkakapatid sa isa’t isa.
Kamakailan ay nagselebreyt ng 20th birthday ang anak ni Marjorie na sa yate ginanap kasama ang kanyang ina at mga kapatid.
Pero hindi doon nagtapos ang birthday party ni Leon.
Kamakailan ay sinorpresa siya ng tatlong kapatid na babae in a way opposite to how peaceful his yacht party was.
“When the sisters come together to surprise our only boy >y We love you [Leon]! Beyond words >” ang birthday post ni Julia.
Sey naman ng kanysng Ate Dani, “Never not celebrating you, [Leon].”
Ayon kay Leon, hindi raw niya makakalimutan ang gabing iyun na sinorpresa siya ng kanyang mga ate.
Marjorie, on the other hand, expressed how she loves seeing her children loving each other.
Aniya, “I love how you guys love each other! Siblings belated birthday surprise for our only boy in the family! Everybody loves you, Leon!”