Advertisers

Advertisers

Go Team Philippines! — Sen.Go

0 92

Advertisers

TUNAY na popular si Senator Christopher Lawrence ‘Bong Go sa sports community partikular sa mga atleta ng bansa na sasabak sa paparating na 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023.

Habang hinihintay ang pagdating ni Pangulong Bongbong Marcos na siyang panauhing pandangal sa sendoff ceremony na inorganisa ng Philippine Sports Commission , di magkamayaw ang mga atleta ng bansa para makasama sa kodakan bilang souvenir sa momentous na kaganapan habang buong kagalakang pinauunlakan sila ng Senate Committee on Sports head na si Go.

Binigyan ni SBG ng matinding motibasyon ang mga bayani ng bansa na mas masarap namnaminang tagumpay lalo na’t karangalan ng bansa ang nakataya.



“ Tayo ay sasabak sa Cambodia baon ang patriotismo, determinasyon , likas na tatag ng dibdib na kayang harapin at banggain anuman ang hamon ng mga katunggali sa arena ng palakasan para sa bayan… Philippines.. Go for GOLD!… Abangan!!!

Mga OA na Hawi Boys ni PBBM



Sobrang seguridad na ang inilatag upang protektahan ang Pangulo ng bansa pero overacting naman ang kanyang mga jaguars o bantay sa paligid ng kaganapan.

Magmula sa proteksyong pang- kalusugan na dapat lang tulad ng antigen test at health declaration certificate ng lahat ng dadalo sa event, nasa tatlong screening at body search pa ang dadaanan bago maka-entra sa bulwagan kung saan ay panauhin ang Punong Ehekutibo.



Saladong- salado na ang mga nasa loob at tiyak na walang lumusot na elementong threat sa seguridad ng Pangulo. Pero kung umasta ang mga hawi boys ni PBBM ay mistulang mga masasamang elemento pa rin ang mga saladong naroon na . Pati iyong mga mismong gustong makausap ng Pangulo ay hinahawi ng mga OA na bantay nito. Kaya nga sinala nang husto ang lahat ng naroon para maging malaya at natural na ang galawan sa loob upang kahit paano ay makasalamuha na siya ng kaswal pero sobrang overacting nila kaya ang Pangulo ng masa ay inilalayo sa mga taong bumoto sa kanya. How are you hawiboys? Mga How Hey!