Advertisers

Advertisers

UAAP player nanakaw ang iPad sa barko

0 125

Advertisers

Nanakawan habang sakay ng barko ang isang UAAP player na kabilang sa mga atletang kalahok sa isasagawang SEA Games sa Cambodia sa Mayo.

Nangyari ang insidente 2L00 ng madaling-araw habang padaong na ang barkong sinasakyan ni Abegail Manzano, 22, sa Batangas port.

Nakita sa CCTV na tinabihan ng matandang babae sa upuan ang natutulog na biktima.
Lumapit muli ang matandang babae nang lumipat ng puwesto si Manzano at umidlip muli.



Nakatalukbong ng tela sa ulo ang matandang babae at ginigising si Manzano subali’t nang walang reaksyon mula rito dito na kinuha ng suspek ang iPad ng biktima na nasa bag.

Agad lumabas ng accommodation area ng barko ang matandang babae.



Nalaman na lamang ni Manzano na nawawala na ang kanyang iPad nang magising na siya.

Mahalaga raw kay Manzano ang kanyang iPad dahil ginagamit niya ito sa kanyang pag-aaral.



Nagmamadali siyang umuwi sa UP Diliman dahil may exam siya nitong Martes, Abril 24. matapos dumalo sa pagbubukas ng provincial meet ng Occidental Mindoro sa bayan ng Sablayan.