Advertisers

Advertisers

Aso iniligtas 5-anyos na bata sa sunog

0 196

Advertisers

ITINUTURING na bayani ang isang aso sa General Santos City matapos niyang iligtas sa nasusunog na bahay ang 5-anyos na bata.

Kuwento ni Jacquiline Rufino Madi sa Facebook post, sumiklab ang sunog sa bahay ng fur parent ng 4-month old Belgian Malinois na si “Princess”.

Sa panic ng pamilya sa sunog na sumiklab 2:00 ng madaling-araw nitong Abril 20 ay nagtakbuhan ang mga ito palabas ng bahay upang iligtas ang sarili.



Sa hindi malamang dahilan, hindi tumigil si “Princess” sa pagtahol sa kanyang fur parent na para bang may sinasabi ito sa kanila.

Nang makuha ng aso ang atensyon ng fur parent, agad itong tumakbo pabalik sa loob ng nasusunog na bahay.



Nagulat ang kanyang fur parent ngunit agad ding sinundan ang aso sa loob ng nasusunog at halos gumuho nang bahay. Dito nadiskubre na naiwan palang natutulog sa nasusunog na bahay ang 5-taon gulang na anak.

Binuhat ng fur parent ang kanyang anak at tumakbo palabas sa abot ng kanyang makakaya.



Nakatakas naman si “Princess” sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang ng kanyang fur parent. Ang kanyang mukha at apat na binti, lalo na ang kanyang mga paw ay lubhang napinsala.

Ni-rescue ng Heart for Paws Gensan at dinala si Princess sa beterinaryo.