Advertisers

Advertisers

Wanted na South Korean nalambat ng BI

0 150

Advertisers

NALAMBAT ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng South Korean na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa sa kasong fraud.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang 28-anyos na si Kim Yerum ay nasa kustodya na ng BI matapos na maaresto noong April 25 sa Angeles City, Pampanga ng mga ahente ng fugitive search unit (FSU) ng ahensya.

Si Kim ay inaresto sa bisa ng deportation warrant na inisyu ni Tansingco at base sa summary deportation order ng BI board of commissioners na inilabas kontra sa babaeng South Korean national noong October 2021.



Siya ay ipinade-deport matapos na impormahan ng mga South Korean authorities ang BI sa kanyang pamamalagi sa Pilipinas at sa record nito bilang wanted na pugante sa Korea.

Kasalukuyang nakapiit ngayon si Kim sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation nito.



Binunyag ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na si Kim ay kasama sa red notice ng Interpol noong March 2020, o pitong buwan matapos na maglabas ng arrest warrant para sa kanya sa kasong fraud ang Suwon district court sa Korea.

Sinabi pa ni Sy na si Kim ay akusado bilang miyembro ng voice phishing syndicate na tinawag na “Minjun family” na nag-o-operate simula pa noong 2017.



Ang sindikato ay nambibiktima umano ng kanilang mga kababayan sa Korea sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pera kapalit nang hindi pagbubunyag ng personal information ng kanilang biktima na nakuha naman nila sa pamamagitan ng fraudulent phone calls ng mga suspek sa biktima.

Idinagdag pa ni Sy na si Kim ay isa ng undocumented alien dahil ang passport nito ay binawi na ng Korean government. (JERRY S. TAN /JOJO SADIWA)