Advertisers

Advertisers

MAGTAGO NA KAYO

0 133

Advertisers

NOONG nakaraang Miyerkoles pinili si Sara Duterte na maging pangalawang pinuno ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC sa unang pulong ng kanilang execom sa Malacañan. Aniya, ito ay show of force, strong and powerful statement at babala sa lahat ng kalaban ng pamahalaan na kumakatay ng mga sibilyan at katutubo, dumudukot at pumapatay ng security forces at pinipigil ang progreso ng bayan gamit ang brainwashing, pananakot at terorismo. Dalawang bagay lang ang masasabi ko dito. Una, habang sinasabi niya ang ito sa imahinasyon ko wari nakatitig siya sa isang salamin at nagpaparang sinasabi niya ang lahat ng ito sa kanyang sarili.

Pangalawa, bukod sa “motherhood statement” may nagpaalala ba kay Inday Sapak na bukod sa pagiging pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas, kasalukuyan siyang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa panibagong titulo na ipinatong niya sa ulo niya tila mangangawit ang leeg niya sa dami ng korona sa ulo niya. Matatandaan na ang serial-killer president na ama niya ay may photo evidence na kahalubilo niya ang CPP-NPA. Ang CPP-NPA ang sandatahang sangay ng NDF samakatuwid si Rodrigo Roa Duterte ay kasapakat nila. Tila baga magkasalungat ang adhikain ni Digong at Inday Sapak. Dalawa ang nakikita ko. Iyong una, iyong propaganda angle ng pagiging NTF-ECLAC vice-chair na itatangi niya sa pagiging kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyong pangalawa, bigyan ng saysay ang posisyon niya sa pamahalaan ni Bonget, dahil sa totoo lang, ang pagiging pangalawang pangulo ay inihahambing sa isang “spare tire” na nakaabat sakaling may mangyari sa pangulo. Kahit magrosaryo siya ng dalawang kamay pati paa, para kay Inday Sapak, suntok sa buwan ito.

***



NOONG Biyernes inabswelto ng Muntinlupa RTC ang lahat ng kasong ipinataw kay dating senador Leila De Lima. Sa isang panayam sinabi niya hindi siya nawalan ng loob at nanalig na siya ay mapapawalang sala. Ang katotohanan ay lalabas at lalabas, at kahit anong tangka nilang tabunan, ito sa kalaunan ang katotohanan ay lulutang at mananaig. Ngunit nandiyan pa rin ang mga kasapakat ng baliw na killer president, na nagsasabing pananagutin nila ang mga bumaligtad ng kanilang testimonya. Aapela umano ang tropa ni dating pangulong Serial Killer, subalit maliwanag na pagwawalang-sala ng dalawang kasong isinampa ng DoJ kay de Lima ay hindi maaaring mag apela dahil ito ay nangangahulugang “double-jeopardy” na labag sa ating Saligang Batas. Isang kaso na lang ang natitira, bagkus sa unang dalawa napapansin na ang katarungan ay unti-unting kinakatigan ang nasasakdal. Kaunting panahon na lang at ganap na makalalaya si Leila De Lima. Kumbaga sa cartoon sa telebisyon kung saan tinatali ng “villain” ang “damsel in distress” sa riles ng tren, biglang dumating ang bida sakay ang puting kabayo, at, matapos supilin ang kontrabida, tinanggal ang tali at sabay silang mangangabayo patungo sa takipsilim. Opo mga giliw kong tagabasa, nagigisnan na natin ang katapusan ng bangungot na ito. Makalalaya na ang ating “damsel in distress”. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***



Pahayag ni dating senador Leila De Lima matapos mapawalang sala noong Biyernes:

“I had no doubt from the very beginning that I will be acquitted in all the cases the Duterte regime has fabricated against me based on the merits and the strength of my innocence. That’s already two cases down, and one more to go. I am of course happy that with this second acquittal in the three cases filed against me, my release from more than six years of persecution draws nearer. I am extremely grateful to all those who stood by and prayed for me all these years. Nagpapasalamat ako sa lahat ng naniwala at sumama sa aking laban. Hindi ninyo ako iniwan. Hindi ninyo ako pinabayaan. Maraming salamat sa inyong paninindigan na balang araw ay makakamit ko ang katarungan, lalaya, at makakasama kayong muli. Subalit nakakalungkot na sa tagal ng aking pagkakulong ay marami akong mga kaanak at kaibigan na hindi na makikitang muli. Ito marahil ang pinakamasakit na nangyari sa panggigipit sa akin. Gayunpaman, itinuring ko itong pagsubok sa tatag ng aking loob at lalim ng aking pananampalataya sa Panginoon.



Sa huli, tayong lahat na lumaban para manaig ang katarungan ngayong araw na ito ang nagwagi, gaano man tayo sinubukang durugin at patahimikin ng mga lumapastangan sa ating bayan. Sa pagkamit ko ng hustisya sa araw na ito, malinaw sa akin na hindi rin ito ang katapusan. Tuloy ang aking laban…” Kaya sa mga katulad ni Rodrigo Roa Duterte at mga kasapakat niya, magpaparang mga ipis kayo na biglang sininagan ng liwanag ng lente ng katarungan. Magtago na kayo.

***

Jok Taym:

Bibigyan natin ng konting regional flair ang segment na ito sa pamamagitan ng isang patawa na Bicolano. Ito ay dedicated sa aking ex-agum at aking mga aki. Daghang salamat sa hinarbatan ko na itago laman natin sa pangalang Lily Ochoada.

Harambugan kan 4 na burat (lasing):

BURAT #1: Babakalon ko sa aga ang SM, EMall, saka Hong…

BURAT#2: Ako?… Babakalon ko sa aga ang UNC, Ateneo,

saka USI…

BURAT#3: Ako?… Babakalon ko sa aga ang Bangko Sentral,

BDO, saka Legazpi Savings Bank…

BURAT#4: Depuga… Sisay sa nindo nag sabi ipapabakal ko yan gabos sa aga?!?…

***

mackoyv@gmail.com