Advertisers
Bunsod sa nilalaman ng Republic Act No. 9999 o ang “An Act Providing a Mechanism for Free Legal assistance and for Other Purposes” ay pinahihintulutan na ng SUPREME COURT na ang isang kaso ay aasistehan ng PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO) LAWYER ang nagdemanda at ang idinemanda ay PAO LAWYER din ang aasiste.., o kaya ay isang LAW FIRM ang hahawak sa nagdemanda at sa idinedemanda.., na kahit hindi nag-aral ng abogasya ay magdududa sa sitwasyong ito dahil sa CONFLICT OF INTEREST at magreresulta pa sa negatibong kredibilidad para sa imahe ng SUPREME COURT.
Ang RA 9999 na kilala bilang FREE LEGAL ASSISTANCE ACT OF 2010 ay naglalayong mabigyan ng LIBRENG LEGAL ASSISTANCE ang mahihirap o yaong walang kakayanang magbayad para sa serbisyo ng PRIVATE LAWYERS.., kaya ang nag-demanda at ang idinemanda ay maaari nang magpa-asiste sa PAO LAWYERS.
Mga ka-ARYA.., ang FREE LEGAL ASSISTANCE ACT OF 2010 ay inisyatiba ni noo”y SENATOR MANUEL “LITO” LAPID sa mithiing matulungan ang mga mahihirap nating mamamayan sa aspetong pagdulog sa Korte o sa mga usaping demandahan sa Korte.., na ito nama’y inaprubahan sa KONGRESO sa liderato ni HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES at sa SENATE sa liderato noon ni SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE.., na ito ay naging ganap na batas noong February 23, 2010 nang lagdaan ni noo’y PHILIPPINE PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO.
Ang mga PRIVATE LAWYER na aasiste ng libre o “PRO BONO” sa mga mahihirap para sa LEGAL CASES ay may kaakibat namang insentibo sa mga abogado tulad ng “SPECIAL ALLOWABLE ITEMIZED DEDUCTION” para sa kanilang mga bayaring buwis.., pero siyempre may mga requirement na dapat gawin at isumite ng mga abogado para sa insentibo na hindi na natin ipaliliwanag pa ang kaukulang pang-abogado. Mahalaga po ay magkaroon tayo ng kaalaman para sa kapakanan nating mga pangkaraniwang mamamayan na ganap nang batas ang LAPID LAW para sa libreng serbisyo sa mga mahihirap para sa LEGAL MATTERS.
Sa isang MEDIA BRIEFING ng PAO sa QUEZON CITY ay inihayag ni PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA na ang 2,500 mga PUBLIC ATTORNEY ay umaapela at nananawagan para irepaso ang SECTION 22, CANON III ng NEW CODE OF PROFESSIONAL RESPONSIBILITY AND ACCOUNTABILITY dahil sa aspeto ng CONFLICT OF INTEREST.
Hindi man po ako ABOGADO mga ka-ARYA e naiintindihan ko naman po ang konsepto ng sinasabing CONFLICT OF INTEREST.., na kung ang IDINEMANDA ay PAO LAWYER ang aasiste at ang NAGDEMANDA ay PAO LAWYER din ang hahawak e magbabakbakan ang magkapamilyang PAO LAWYER… BASAG ang KREDIBILIDAD ng PAO niyan at pag-dududahan o pag-iisipan pa na MORO-MORO na lang ang paglilitis dahil nagkabentahan na ang RESPONDENT PAO LAWYER at ng DEFENDANT LAWYER.
Halimbawa na lang po kung mayroong ARYA LAW FIRM na magseserbisyo ng PRO BONO at magkataong MAGAGALING ang mga ARYA LAWYER kaya nagpa-asiste ang NAGDEMANDA at ganundin ang IDINEMANDA.., hehehe yung matatalo sa asuntuhan e mag-aakusa na niluto o MORO-MORO na ang ginawa ng ARYA LAWYERS.., gets nyo mga ka-ARYA ang KONSEPTO ng CONFLICT OF INTEREST?
Kung tuluyang ipatutupad ang sistemang PAO LAWYER aasiste sa NAGDEMANDA at PAO LAWYER din sa IDINEMANDA…, e maraming mga legal works ang maaantala sa LOWER COURTS dahil kakaunti lang ang PAO LAWYERS at siyempre pa maraming PRIVATE LAWYER ang maghihirap sa buhay kasi wala na silang magiging kliyente.
Sa personal na pananaw ng ARYA.., ang LAPID LAW ay dapat na liwanagin ng mga HENYONG MAMBABATAS NATIN na ang AKUSADO at NAG-AAKUSA ay hindi maaaring hawakan ng isang firm o sosolohin ng PAO LAWYERS.., at dapat pakinggan ng SUPREME COURT ang panawagan ng mga PUBLIC LAWYER hinggil sa isyu ng CONFLICT OF INTEREST.., nang sa gayon ay huwag mahantong na pagdudahan ng mamamayan ang INTEGRIDAD ng JUSTICE SYSTEM sa ating bansa.
Maganda ang layunin ng FREE LEGAL ASSISTANCE ACT pero huwag po nating pahantungin sa puntong MASASALAULA o MABAHIRAN ANG KREDIBILIDAD NG ATING JUSTICE SYSTEM!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.