Advertisers

Advertisers

PAGKAKATALAGA KAY VP SARA SA NTF-ELCAC IDINEPENSA

0 150

Advertisers

BINIGYANG DIIN ng National Security Council (NSC) na walang epekto sa academic freedom ang pagkakatalaga kay Vice President Sara Duterte bilang co-vice chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Paliwanag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, walang kinalaman ang NTF-ELCAC sa curriculum ng eskwelahan.

Sa usapin naman ng confidential o intelligence fund, sinabi ni Malaya na nasa poder ito ng kalihim ng Department of Education o DepEd.

Iginiit sa Laging Handa public briefing ni Malaya na nang ibigay ng Kongreso ang pondo sa DepEd ay may legal authorization ito saan man gamitin ng ahensya ang pondo.

Samantala, muling ibinalik ni Malaya sa Makabayan ang alegasyong red-tagging.

Binigyang diin ni Malaya na hindi ang gobyerno kundi ang mga makakaliwa ang gumagawa nito.

Inihalimbawa ni Malaya ang pagtukoy umano mismo ng yumaong founder na si Joma Sison noon sa kanilang mga kasaping grupo.

Nabanggit din ni Malaya ang kaduda-dudang pagpapaimbestiga ng Makabayan sa pagkamatay ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na pawang matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP). (GILBERT PERDEZ)