Advertisers
PINOSTE ng Meralco ang unang panalo laban sa NorthPort,97-88 sa PBA on Tour preseason game sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kumamada si Allen Maliksi ng 21 points tampok ang apat na triples, 4 na rebounds,three assists, at two steals para sa Bolts.
Bong Quinto nagdagdag ng 14, habang si Cliff Hodge at Anjo Caram nag-ambag ng tig-11 marka.
Ito ang unang panalo ng Meralco sa ilalim ng bagong coach Luigi Trillo,na humalili kay Norman Black.
“New system so marami kaming mga adjustments,” Wika ni Maliksi. “Ginagawa namin ang mga inaapply sa practice sa game na ito.”
Chan nagtapos ng 20 points,kabilang ang limang treys para sa NorthPort.
JM Calma nagdagdag ng 15 puntos.