Advertisers

Advertisers

Batang Kankaloo Kids’ camp inilipat sa June 10

0 99

Advertisers

Ipinahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan na bilang paghahanda sa parating na bagyong “Mawar” (international name) na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw, kinakansela ang Batang Kankaloo Kids’ Camp na gaganapin sa Glorieta Park, Tala, Caloocan upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng lahat.

Inilipat ang schedule ng Kids’Camp sa June 10, 2023.

“Antabayanan na lamang po ninyo sa ating Facebook page ang pangalan ng mga matagumpay na nakapag-rehistro para sa Batang Kankaloo Kids’ Camp sa North Caloocan,” pahayag ni Mayor Along Malapitan.

Makikibahagi ang mga Batang Kankaloo na may edad 5-12 taong gulang.

At sa tulong ng mga magulang ng mga Batang Kankaloo inirehistro nila ang kanilang mga anak gamit ang link na http://bit.ly/batangkankaloo2023.

Nais ipabatid ng Malapitan na naging ‘first come, first serve basis ang mga napiling sumali sa nasabing programa ng lungsod para sa mga Batang Kankaloo.

Dagdag pa rito mahigpit na ipapatupad ang ‘No walk in policy’ sa nasabing Kids’Camp.

Paalala rin ng ating butihing Alkalde na magdala ng valid ID, vaccination card at medyas sa pagdalo sa Kids’Camp sa June 10.

“Hinihikayat pa rin po natin ang pagsusuot ng face mask,” wika pa ni Mayor Along.(BR)