Advertisers
NAGKASUNDO na para magsagupa si WBC, WBA at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr at WBO world welterweight champion Terrence Crawford.
Itinakda ang paghaharap ng dalawa sa Hulyo 29 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Si Spence ay may record na 28 panalo, walang talo at 22 knockouts habang si Crawford ay mayroong 39 panalo wala pang talo na mayroong 30 KO.
Huling lumaban ang 33-anyos na si Spence noong Abril 2022 ng talunin niya si Yordenis Ugas sa pamamagitan ng technical knockout sa ika-10 round.
Habang si Crawford ay pinatumba sa loob ng ikalawang round si David Avanesyan noong Disyembre.